Sumang Malagkit

Dumating ako sa bahay ng isang tiyahin ko at sa di akalain, fiesta pala nang araw ding yon. Hinainan nila ako ng sumang malagkit. Sa mga taga Bulacan, malamang pamilyar sa inyo ang kakaning ito. Nakabalot sa dahon ng saging, gawa sa bigas na malagkit pero hindi ito matamis. Kadalasang isinasabay sa sa leche flan, haleya, minatamis na beans o di kaya ay isinasawsaw lng sa asukal. Pwede rin itong miryenda kung hapon.

Tinawag akong muli ng isang pang kamaganak at dahil sa Fiesta nga ng araw na iyon hindi ko tinanggihan ang kanilang paanyaya. Muli hinainan ako ng kaparehong pagkain sa naunang bahay, kumain nman ako at halos mabunsol na ang aking tiyan sa dami ng nabalatan at nakain kong sumang malagkit. Hindi pa duon natapos sapagkat sa kabilang bahay ng isa pang kamaganakan ay pareho rin ang handang pagkain, hindi ko rin ito tinanggihan. Masarap kasi at dahil galing akong Dubai, masyado akong nasabik sa ganitong mga pagkain. Hindi ko na mabilang kung ilang suman ang nakain ko, ang ipinagtataka ko ay kung bakit suman lang ang handa nila?

Nagmulat ang aking mga mata sa katotohanang panaginip lang pala ang kinatatakaman kong sumang malagkit, parang totoo at nalalasahan ko pa ang aking kinain, malungkot na katotohanan na hindi ko maitatago.

Bakit ba hindi natin totohanin, naalala ko ang mga panahon na ako'y musmos pa at nasaksihan ko kung papaano ito niluluto ng mga nakatatanda sa aming Bario, mula roon ko susubukang lutuin ang pagkaing kinasasabikan ko. Sinubukan ko rin maghanap ng detalye ng pagluluto nito sa internet ngunit di ako nakahanap ng kaparehong paraan na alam ko.

Malapit lamang ang aming tahanan sa LULU-isang pamilihan sa Dubai kaya minarapat kong magtungo ruon upang bilhin ang mga sangkap ng sumang malagkit. Ito lng ang mga kinailangan ko

1 kilo-bigas na malagkit
1 lata ng gata
dahon ng saging
asukal
asin

Nang maluto hindi ito sing sarap ng kinasanayan kong sumang malagkit at halos hindi katulad ng nasa panaginip ko ngunit magkasing lasa rin nman at napagbigyan ko ang hinahanap ng panlasang Pinoy ko.

My Yellow Bells

Carla is a lifestyle blogger based in Dubai who's thankful to call this ever-evolving city her second home. The pages of this blog are filled with stories about her expat life in the sandpit. It features dining and travel adventures in and around the city and beyond. It also features food recipes, parenting tips, and fashion style.

2 Comments

Please feel free to share your own story or views here.

Cheers
Carla

Previous Post Next Post