Tulog Lamok

malamlam ang talukap ng 'yong mga mata
ultimo babagsak sa konting ugoy ng bisig ng ina't ama
ang iyong panuro'y patupat na kaagapay
sa hele at awit na kay tamis sinasambit

bumagsak na nga at napadpad na
ang iyong ulirat sa alapaap ng panaginip
ang katahimikang nababanaag sa anghel mong mukha'y
walang kapantay

ngawit at bigat ay di tagalan
nahimlay ng ikaw ay bitiwan
umasang mahaba at mahimbing
at may magagawang kabanata

uminat at humikab sabay pumikit
nagpasalamat sa muling paghimbing
kaunting kaluskos ikaw ay nagising
tulog lamok, tulog lamok halika na
ikaw ay bubuhatin

sa panulat ni Yellow Bells
ika-17 ng setyembre 2010 11:11 am

My Yellow Bells

Carla is a lifestyle blogger based in Dubai who's thankful to call this ever-evolving city her second home. The pages of this blog are filled with stories about her expat life in the sandpit. It features dining and travel adventures in and around the city and beyond. It also features food recipes, parenting tips, and fashion style.

1 Comments

Please feel free to share your own story or views here.

Cheers
Carla

  1. Ah, ang nakikita ko ay imahe ng isang ina o amang mapagmahal...

    ReplyDelete
Previous Post Next Post