Luha ng Sawing Mangagawa


For those who have loved and lost at sa pakontest ni Iya_Khin


Para lang akong Aegis na umuawit
ng Luha dahil sa aking pagkabuwisit
Makita ko ba naman ang aking misis
pangalan ng iba ang sinasambit
habang tulog at nananaginip

Umuwi akong masaya
ngunit lilisan akong malungkot na
sapagkat ika'y wala na
panaginip mo'y totoo pala

Di ko pinakinggan ang mga sabi-sabi
nitong aking mga kumpadre
ang sabi nila ako daw ay pobre
pagkat ginto't dyamante'y di ko na pagaari

Masakit ang katotohanang
pag-ibig nati'y di naalagaan
mula ng ako'y mangibang bayan
Ito ba ang kapalit ng kaunting salapi
kaya ngayon ako'y sawing sawi?

Paunawa: Ang tulang ito ay kathang isip lamang at hindi ayon sa tunay na buhay ng may akda. Ang tema ay sumasalamin sa mga pangyayari sa ating lupunan

My Yellow Bells

Carla is a lifestyle blogger based in Dubai who's thankful to call this ever-evolving city her second home. The pages of this blog are filled with stories about her expat life in the sandpit. It features dining and travel adventures in and around the city and beyond. It also features food recipes, parenting tips, and fashion style.

10 Comments

Please feel free to share your own story or views here.

Cheers
Carla

  1. salamat sa iyong pagsali...maari ko bang malaman,ikaw ba'y nasa dubai? kung ganoon ay tayo'y magkapitbahay lang! lol

    hahaha!ano ba yan rhyming na rhyming ang salita ko. nice tong post mo,makatotohanan...marami akong kilalang ganyan!

    ReplyDelete
  2. oo taga uae ako, naghahanap buhay sa Dubai at naninirahan sa Sharjah.

    saan ka ba?

    ReplyDelete
  3. good to know, eb eb eb. sana magka-eb tayong mga blogger sa uae noh! isn't it a good idea.

    ReplyDelete
  4. iba din ang isang ito..


    goodluck miss yellowbell :)

    ReplyDelete
  5. Pwede ko bang awitin ang NAPAKASAKIT KUYA EDDIE?

    Isa itong dilat na katotohanan sa mga mag-asawa na OFW si Mister o kaya si Misis.

    Hindi naman lahat pero nangyayari.

    Marami ang makaka-relate dito

    ReplyDelete
  6. Sa pusong sawi na sa iyo ngayon ay namayani
    Sana'y hindi ito pagharian ng paghihigante.

    Habang binabasa ko ang iyong tulang lahok na ito ay tila nakikinig ako sa kantang pinasikat ni Roel Cortes na Napakasakit Kuya Eddie.

    Goodluck sa tula mong ito. Mahusay!

    ReplyDelete
  7. Mahirap talagang mag-maintain ng long distance relationship. :(

    ReplyDelete
  8. isa sa mga kinakatakutan ng mga nasa ibang bansa, yung uuwi kang wala ka na palang uuwian. :(

    ReplyDelete
Previous Post Next Post