Pinoy: nililitis sa Dubai dahil sa pagnanakaw ng iPad-huli sa iCloud


Isa na namang pinoy ang nililitis dito sa Dubai, ang dahilan: ang pakuha, pag-angkin at pagamit ng isang bagay na hindi kanya. Ayon sa balita, isang Indiang negosyante ang bumyahe mula sa kanilang bansa patungong Dubai at nakaligtaan nito ang kanyang iPad sa eroplano. Ayon sa namamahala ng eroplano, hindi nila umano natagpuan ang hinahanap. Matapos ang ilang araw, nadiskubre ng may-ari kung sino ang nang-umit ng kanyang tablet sa pamamagitan ng iCloud - isang storage system na ginawa ng Apple upang maitago at seguraduhing ligtas ang lahat ng impormasyon sa iyong iPhone, iPad at iPod. Matapos makalap ang detalye ng taong nagnakaw ng iPad mula sa kanyang Facebook account, itinawag ito ng asawa ng negosyante sa airline na mismong piagtratrabahuhan ang Pinoy at ibinigay ang kanyang detalye, di umano ay isa itong enhinyero na sa kanilang kumpanya mismo nagtratrabaho. Sa bandang huli ng paglilitis inamin ni kabayan ang kanyang ginawa.

Tsk, tsk, tsk. wala akong ibang maramdaman kundi ang manghinayang para sa kay kabayan at sa kanyang pamilya. Naririto tayo sa ibang bayan at maayos na naghahanap buhay, kumikita para sa ating pamilya pagkatapos mauuwi lamang sa kulungan dahil sa pagkatukso sa isang kumukinang na bagay na maari naman pag-ipunan. Maging aral nawa ang ganitong pangyayari sa lahat ng OFW dito sa Dubai. Wag po tayong matukso sa maliit na bagay at bigyang halaga natin ang ating pagkatao at trabaho para sa ating pamilya

news info

My Yellow Bells

Carla is a lifestyle blogger based in Dubai who's thankful to call this ever-evolving city her second home. The pages of this blog are filled with stories about her expat life in the sandpit. It features dining and travel adventures in and around the city and beyond. It also features food recipes, parenting tips, and fashion style.

1 Comments

Please feel free to share your own story or views here.

Cheers
Carla

  1. bukod sa panghihinayang sa kanya at maawa kanyang pamilya
    ay medyo nakadama din ako ng pagka inis dahil tinalo ng kanyang pagka materyoso ang kanyang pinag aralan..

    at damay na naman ang iba pa niyang kabayan dahil..siya ay Pinoy

    ReplyDelete
Previous Post Next Post